Tuesday, June 20, 2006

i won't tell 'em your name

Tuesday, June 13, 2006

Crazy pala talaga ang 'My Crazy Dreams' ko

weird... dito ko naisipang magpost.. (sa friendster blog ko to unang pinost)

june 1, 2006 nung naisipan kong magsulat ng 'My Crazy Dreams (ala Ellen Degeneres)' dun sa planner ko.

- magkaroon ng work, makapunta ng baguio, makakita ng cherry blossoms, maging computer programmer/web designer, magkaroon ng computer-related na degree, makagraduate sa UST graduate school, makapunta sa Bora, makasakay sa bullet train, magkaroon ng sariling camera, magkaroon ng Manolo Blahniks, makapunta ng Africa, makapunta ng Australia, magshopping sa New York, makanood ng play sa CCP, makanood ng play sa Broadway (uy! para mas astig!), makapunta sa Palawan, magscuba diving, magjetski, magpahenna ulet, matugtog yung kaleidoscope world sa gitara (take note, hindi ako marunong mag-gitara! hahaha!), makagawa ng asteeg na blogskin, matuto ng flash animation, matuto magbake ng cake, makatahi ng jeans, makapagdrawing ng nude na tao, matuto ng ghetto na lettering, magawa ng libro, sumakay sa dulo ng anchor's away (makapunta ulit sa EK with group one! yes...!), matuto mag-japanese, magkaroon ng make-over ang kwarto ko, bumili ng sarili kong laptop, makagawa ng scrapbook, magkaroon ng mini-garden sa harap ng bahay namin tapos inulit ko ulit yung sana matuto ako ng ghetto lettering.

first sunday ng june nung una akong nagpunta sa CCF alabang. tungkol sa patience ang topic. last sunday, Jealous God naman ang napag-usapan. kasama din sa mga napagusapan last sunday yung greatest joy. noon ko lang nalaman na iba pa pala ang joy sa happiness. ang happiness daw kasi depende sa mga nangyayari sa isang tao. ang joy naman daw naguugat sa relationship natin kay God.

Your Greatest Joy will come in Glorifying God. To glorify is to give favorable recognition. Aminin mo, all things are possible through God. at kung wala ang gumawa sayo at sa akin, malamang e wala tayo ngayon dito. so it is just right to give Him praise.

"You, my people, have sinned in two ways - you have rejected me, the source of life-giving water, and you've tried to collect water in cracked and leaking pits dug in the ground." - Jeremiah 2:13

sa ibang version, cistern ang ginamit na term. a cistern is a man-made well. gumagawa tayo ng mga cisterns natin. what we put in those cisterns are things that which we cherish and delight in. house, cars, family, friends, career, money and the list just goes on and on. Those are the things that give us temporary delight and satisfaction. It gives us short-lived pleasure.
Una, gusto mo ng trabaho, ng career. tapos makukuha mo yung career na gusto mo. You have a job that pays well. You get your own car. You buy your own house. You are respected by people around you. You enjoy and take pleasure out of that respect and attention that they give you. then you indulge on the 'finer things in life'. you play different sports. you eat at fancy restaurants. then you become filthy rich, but then you still feel not good enough. like the thirst for more never goes away. you can't find contentment. you can't have enough. you feel you still haven't had enough even though your cistern is full of junk. Your cistern is sooo full that you are left with no space for God.

nakakahiya... nakakahiya kay God. My Crazy Dreams at hindi ko man lang naisip na ilagay ang sana makilala ko ang gumawa sa akin. puro na lang bagay. puro adventure. puro mabababaw. nakakahiya...

hindi ako naging relihiyosong Katoliko noon at inaamin ko ring hindi ko na maalala kung kailan ako huling kusang pumunta ng simbahan. maraming taon, buwan, araw lang akong nagpalutang-lutang sa kawalan, naghahanap ng BAGAY na magpupuno ng malaking espasyong alam kong meron ang pagkatao ko. ang akala ko noon, kung magkakaboyfriend ako, magiging masaya na ang mundo ko. akala ko noon, kung magiging mayaman ako na tipong mabibili ko pati ang lupa ng mga Ayala magiging masaya ako. akala ko noon, kung magiging astig ako at magiging sikat, magiging masaya ako. akala ko noon, kung malilibot ko ang mundo, magiging sikat ako dahil marami akong makukwento sa iba. akala ko noon, may mga BAGAY dito sa mundong to na makakapagpasaya sa akin. SOBRANG MALI! Masyado akong nagpaloko (at di ko man napapansin minsan, nagpapaloko pa rin) sa mga bagay na inooffer sa akin ng mundong to, nakalimutan kong magpasalamat kay God para sa lahat ng blessings. Nakalimutan ko ang general principle ng treasure hunt ko. "Seek first the Kingdom of God..." GOD IS THE TREASURE. and not all the riches in this world combined can amount to that.

You cannot save yourself. "It is only through God's grace that we are saved." It is every day, every minute that we have keep on asking God for salvation.

Kanina nung nasa jeep ako, naisip kong wala naman mali with having a job, with having a car. pero hindi pwedeng paabutin sa utak ang lahat ng 'riches and fame' na nakukuha natin. Dapat alam nating lahat to galing kay God. at dapat nating syang pasalamatan sa lahat ng blessings na natatanggap natin. "SEEK FIRST GOD'S KINGDOM..."

hindi ako nagmamalinis, inaamin kong makasalanan ako. pero walang mali kung magsisi ako at babalik sa Kanya. after all, He gave me my life and it is just right for me to return to Him. i know it's not going to be an easy road but this is a chance i'm willing to take. at gusto ko lang ishare to sa lahat ng posibleng makabasa, hopefully makita mo rin yung daan pabalik sa Kanya.

Friday, May 19, 2006

kahapon at ngayon

matagal-tagal din akong nawala sa sirkulashon ah! ganito kasi yan, nung monday pa ata kasi kami walang internet access. sira ata ang server o kung ano man... basta! mabuti na lang at wala namang masyadong withdrawal symptoms na naobserbahan sa aming kabahayan. yung ate ko lang na isa e parating nagtatanong kung "may internet na?" kapag dumarating xa at pinagbubuksan ko xa ng pinto.

kahapon, awa naman ng Diyos at ng mga tao sa PLDT e nagkaroon na ulit kami ng access sa internet. pero dahil nga nagsasagot ako ng reviewer e hindi ako nakapaginternet kahapon.

final episode na ng amazing race kahapon. exciting! gustung-gusto ko talaga ang hippies. nayayabangan kasi ako sa mga frat girls hahaha! sobra kong na-excite dun sa final leg ng race, sigaw pa ko ng sigaw na "bilisan nyo! bilisan nyo!" (as if namang naririnig nila ko hahaha!) at halos masira na ung upuan sa kaka-upo-tayo ko. buti na lang tlga at may utak ang mga hippies. ;)

after non, e joined forces pa kami ng ate ko habang tumatawa at nagcocomment sa panday. ganito kasi yan, natutuwa kasi ako sa Wonderful Life. e bago pa un panday muna. ayos din naman, natutuwa/natatawa (minsan) kasi ako kay heart evangelista. kikay nga xa at bulol sobra pero ayos naman sya at walang kieme. lubog sa putik kung lubog sa putik. opinyon ko lang naman yon. pero natatawa lang talaga ako sa dugo sa panday. pano ko ba ieexplain to? kasi kahapon, nagsimula nang maglaban-laban yung mga dapat maglaban (hindi ko masabi kung sino sila dahil hindi naman talaga ako nanonood ng panday). akalain mong pag may namamatay, hindi man lang sila nagbbleed! asteeg! at kung may dugo na nga sa katawan nila (siguro dahil naalala nilang kelangan may dugo ang mga taong nasaksak na), malabnaw naman ang mga dugo nito! parang tubig na nilagyan ng dyobus. literal.

pagtapos non, wonderful life. basta natutuwa talaga ako sa palabas na yon.

pagtapos non, maalaala mo kaya. nakakatuwa/nakakatawa/nakakainis/nakakaiyak. yun lang ang masasabi ko. maganda yung kwento. nakakatawa yung nagbabakla-baklaang kaibigan ni zanjoe (hindi ko kilala e). nakakainis lang dahil imbis na maiyak ako e napapa-"ano raw?" ako dahil minsan talagang beyond comprehension na ang mga words na lumalabas sa bibig ni zanjoe. nakakaiyak... e sa nakakaiyak e!

pagkatapos non natulog na ko. e pano kasi kelangan kong pumunta sa tindahan namin dahil mamimili yung nanay at ate ko sa DV.

nananaginip ata ako kanina pero nakalimutan ko lahat yun nung may pumasok sa kwarto ko. nanggigising!

pumunta ko ng tindahan. nagdala na rin ako ng reviewer para may magawa naman akong matino. buti naman at ok naman kanina, may benta naman ako kahit pano. pero xmpre hindi naman ako kasing expert ng nanay ko kaya konti kumpara sa benta nya. nung dumating sila nung tanghalian, pinauwi kami agad. para kasing uulan na naman. manonood na pala kami nung ate ko ng DaVinci Code, hindi ko pa alam. nagpaalam na raw xa kaya wala nang atrasan to. hahaha!

DaVinci Code. yung pelikula xmpre hindi to kasing eksakto ng nasa libro. isipin mo na lang yung daming pages ng libro pagkakasyahin mo sa dalawang oras at kalahati. wala rin akong comment sa libro dahil hindi ko pa naman to nababasa. basta yung pelikula gusto ko. inaamin ko namang may parteng naiisip kong "hindi pa ba tapos?" pero bigla naman tong nababawi ng "uy! ayan na ulit!" eto, opinyon ko lang naman, hindi naman siguro intensyon ni brown na sirain ang catholic faith. fiction nga sabi nila. pero kung hindi ka talaga matahimik dahil sa panggugulo ni brown sa buhay mo, ganito, nasasayo naman ang choice kung ano ang gusto mong paniwalaan. kung gusto mong hindi maniwala sa libro, e di wag. isa pa, bakit mo naman gagawing basehan ng katotohanan ang isang work of fiction? fiction nga di ba? katha ng imahinasyon. siguro iniisip mo, "naku! sinasabi lang nilang work of fiction yan para makalusot!" naisip ko na rin yan.

at ngayon, huwaw! at last, nakapagblog din. na-miss ko to!

H A P P Y B I R T H D A Y A C H U K A N D A L V I N ! ! !

after ng

Tuesday, May 16, 2006

uy may 16 ngayon!

May 18 na ang DaVinci Code
May 24 na ang XMEN 3!!!

nung mga nakaraang araw, lalo akong nawawala sa sarili. parang paikot-ikot lang ako sa kawalan. laro sa internet. nood ng tv. nag-iisip ng walang partikular na bagay. tinatamad na naman akong mag-aral. parang hindi ko kasi mapilit ang sarili kong magbasa. at mas lalong ayokong pilitin ang sarili ko kasi naman mas lalong wala lang pumapasok sa isip ko.

nung isang araw pala nakatanggap ako ng text...

Guen of JobStreet-ur invytd 4an intrvw 4 a Customer Service Rep post 4 one of d world's largest call centers. Brng 3resumes,&b n business attire @our ofc on May 12 anytym bet.9am-11am or 1pm-6pm @the 18th floor Unit18** Cityland Herera Tower, Rufino cor Valero (bhind PBcom) Makati. Text ur name to 0922834**** to confirm. For more info, col 813****.Dsregard f uv bn intrvwd.Pls dnt reply 2 ths numbr. Thanks! -09228555*** (may11 14:01:11)

hindi ko nga lang pinuntahan kasi nga magrereview muna ako para sa board exam ko. September na lang cguro ako mag-aapply ng work. Gusto ko magtry sa call center. Ayun! hehehe!

nakausap ko c roan kahapon, nakakatuwa tlga xa!

as of today, 2 days behind na ko sa Delost. i'm lost na tlga! hahahah! anyway ok lang yun. no worries! nakakastress yun e! ge tambay muna ko tristancafe.


H A P P Y B I R T H D A Y R E I G N A !

Sunday, May 14, 2006

uyyy di makatulog!

weird! i woke up ten before four and decided to pee. malamig naman kasi sa kwarto ko! pagbalik ko, i tried going back to sleep, snuggling tight to my pillow hoping i could get four more hours of sleep. walang naitulong ang butihin kong unan. sinubukan kong magpalit-palit ng pwesto baka kako nag-iinarte lang ang katawan kong hirap humanap ng magandang pwesto. wala pa rin. ang utak ko namang ke-aga-aga e game agad. akalain mong iniisip na nitong tapusin ang binabasa ko kagabi (tungkol sa mga enterobacteriaceae)! [SIPAG!] sus! kunyari ka pa!

naaala ko tuloy yung kanta na
"...tigilan ang pag-iisip, ipagpatuloy ang pananaginip..."

tapos di ko na maalala yung ibang lyrics nung kanta. eto lang ang LSS ko. hindi pa nga siguro dapat tawaging LSS dahil hindi naman buong song yung nagpplay sa utak ko. eto lang linyang to! LLS cguro dapat?! may variation pa pala ang sakit na ito!

kaya eto naisip ko na lang magpost dito. baka kako maya-maya lang e antukin na rin ako. nag-gala lang siguro somewhere yung antok ko. babalik din yun. pero wag naman sanang mamayang hapon.

lately pala e busy ako sa pagtambay, yan tuloy natambak na tuloy yung mga babasahin kong chapters. gumawa na ako ng bagong sked, dapat kasi e ngayon tapos ko na yung sa delost. pero dahil nga, may sakit ako [KATAM], eto at paunti-unti nag pag-usad ko sa mga binabasang chapter. kulang na lang e magsuka ng dugo ang mga mata ko dahil pilit kong naiisip na matulog na lang ok kaya naman e mag-internet sa tuwing nagbabasa ako. gusto ko pa naman sanang magbago. bakit kaya hindi ko talaga matripan ang pagbabasa?! siguro dahil batang TV ako.

nung mga nakaraang araw, madalas din e naglalaro lang ako sa internet. wala lang, kung ano lang ang matripang laro. teka teka! unang una e hindi ako naglalaro ng ragna at pangalawa hindi rin ako mahilig sa dota. para lang maliwanag ang lahat. pang gamehouse lang ang beauty ko. mastermind. pacman. poker. score a million. pati kill kenny. nasubukan na nga ata namin lahat nung ate ko yung mga laro dun e. kasalukuyang tambay ng tristancafe. dun ako madalas na nagpapaka-auti!

ge! papaka-auti muna ako.. papaantok!

*dalawang bagay: una, may bagyo kaya naging maulan nung mga nakaraang araw. kumpara sa ibang probinsya, maswerte na ako sa kinalalagyan ko dahil ang iba e walang kuryente at binabaha pa. pangalawa, hindi ako makatulog dahil nilalamig ako.

Friday, May 12, 2006

...aga-aga nagdadrama na naman!

Tuwing umuulan ay naaalala tayong dalawa
Kay sarap isipin
Na may kasama sa buhay pag bumaha

Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak na, kapit pa
Sa payong ko magkasama tayo

Hinding-hindi ka pababayaan
Na mag-isa sa ulan
Aalagaan, magtatawanan
Wala na 'tong iwanan

Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula't, bumagyo magkasama tayo

Di ko na inakala pa, na ika'y paparito
Ngunit salamat na lamang
At dumating ka sa buhay ko

Sukob na, halika na
Sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Umula't, bumagyo magkasama tayo

Sa payong ko
Magkasama tayong dalawa

*SUKOB NA - 17:28
Nababadtrip ako kapag umuulan, hindi ko alam kung bakit. at hindi ko rin maipaliwanag ang kakaibang lungkot na dulot ng pagpatak ng ulan sa lupa. buti na lang at narinig ko tong kantang to. hindi na masyadong nakakalungkot. yun nga lang, wala akong kasama sa payong... (drama!)

Thursday, May 11, 2006

...and i thought i was weird?!...

You Are 30% Weird
Not enough to scare other people...But sometimes you scare yourself.

Field Trip?

lintek!

around the world ba ang tema ng araw na ito?!

dumating na ang araw na kinatatamaran ko. eto na nga yon. kailangan ko na kasing kuhanin yung certificate ko sa JR (jose reyes). anim na buwan ng buhay ko yon. pinakamahabang anim na buwan kung ito-total ang mga oras sa isang araw na gising ako!

nagising ako dahil sa dalawang dahilan: kinakatok na ako ng tatay ko tska nag-aalarm na yung cellphone ko. wala akong magawa kundi ang pagbuksan ng pinto yung tatay ko, xmpre baon ko rin naman yon, isa pa e baka magalit xa. pero xmpre katulad ng mga normal kong araw, bumabalik ulit ako sa pananaginip. ang dapat na 7:30 kong gising e naging 8:30. kako aalis ako ng alas-nuebe para makarating ng alas-dyes sa uste. (plano ko na rin kasing ipasa ang grade ko sa ospital para makakuha ng certificate of internship.)

8:30 na papetiks-petiks pa! alangya! nakuha ko pang magbukas ng computer at magpatugtog! 9:00... naliligo na ako...

9:30 - katatapos ko pa lang maligo. hehehe! (pilit pa kong lumabas ng banyo nyan ah)

9:50 - nakagayak na ko

10:00 - nasa bus na ako. ORDINARY CUBAO. e pano naman kasi anong petsa na ko makakarating ng maynila kung magiintay pa ko ng bus na papunta ng lawton. kaya yun, balik BUS-MRT-LRT na naman ako.

11:00 - nasa kalye Antonio na ko at papunta na ng UST.

after 7 minutes, nasa harap na ko ng pinto ng UST OPD lab. may nakapost. nakalagay: ISSUANCE OF CERTIFICATE OF INTERNSHIP 1:30 PM - 4:00 PM. Anak ng kamote naman oh! nag-effort pa akong pumunta ng umaga, wala naman pala akong dadatnang matino dun!

dahil nga ayokong ma-badtrip. nagwalk-out na ko....... PAPUNTANG SM.

hehehe! pagtapos ng limang minuto. presto! nasa harap na ko ng SM san lazaro. wala pang tao! konti pa lang. sa department store (kung saan ako tumambay), tatlo lang kaming namimili! at xmpre may mangilan-ngilan din (sa ibang floor hahaha!) mas marami pa atang empleyado kesa sa mamimili. (kamusta naman?!)

mag-aala-una na nung tumawag c RJ. nung mga oras na yon, nakabili na ko ng ballpen, bag at pringles. kelangan ko na lang bumili ng CD. pagtapos non, lumabas na ko't nagtricycle papunta sa JR. (kako kasi baka maligaw ako pag naglakad ako, hindi ko kasi sigurado kung paano ang papunta ng josereyes galing sa SM. ngayon alam ko na. hehe!)

wala pa si amanda tska si dyna nung pumunta ko sa JR. kaya yun, kumuha na rin kami ni RJ ng certificate. nagyaya na lang ako sa Jabi para makapag-ice craze. buti na lang nakita ni dyna si amanda sa 7-11. tapos yun, nagkita-kita kami sa jabi. alas-dos na ata nung bumalik kami sa JR para kunin yung certificate ni dyna. tapos non, pumunta na kami sa ACTS (review center). ayon, nakapagpareserve na rin. ala na kasi akong pera kung magfu-full payment agad ako.

gusto sana ni RJ na magdorm kaya tinignan namin yung ni-recommend ng ACTS. sa kinasamaang palad, di naman ito kagandahan dahil parang napakasikip naman ata at napakadilim pa! kaya yun, ang sumunod na isang oras ng buhay namin ay nauwi sa pagtingin ng mga room for rent at mga bedspacer. may mga panget talaga, may mga masikip, may mga mahal, at may mga ok lang... 4:30 na nung nagpaalam na kong uuwi na, baka kasi gabihin ako. mahirap na.

pagkatapos ng isang LRT, isang bus papunta ng pacita at isa't kalahating oras, nakauwi na rin ako sa bahay namin. tumawag ako kay RJ, aba naman! andun pa raw sila! anong petsa na kaya! kako e umuwi na xa dahil gabi na nga.

eto nandito na ko ngayon... looooooooooong day! akalain mo yun. nagpunta ako ng Magallanes, ng Pasay, ng Dapitan, ng Tayuman, ng Recto, ng V. Mapa, ng Cubao tapos saka lang umuwi sa bahay! nakasakay na ko ng MRT, LRT-1, LRT-2, bus, dyip, pati traysikel! 188.50! 188.50! 188.50! pamasahe ko pa lang yon! ANU BA?!

Tuesday, May 09, 2006

Yung Beer!


nais kong magpakalasing
dahil wala ka na
nakatingin sa salamin
at nag-iisa

nakatanim pa rin ang gumamelang
binalik mo sakin
nang tayo'y maghiwalay
ito'y katulad ng damdamin ko
kahit buhusan mo ng beer
ayaw pang mamatay


giliw, wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala nung iniwan mo ako

kaya ngayon
ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na to
o ang pag-ibig mo

nais kong magpakasabog
dahil olats ako
kahit ano hihithitin kahit tambucho
kukuha ako ng beer at ipapakulo sa kaldero
lalanghapin ang usok nito
lahat ay aking gagawin upang hindi ko na isiping
nag-iisa na ako

ibuhos na ang beer
sa aking lalamunan
upang malunod na ang puso kong nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na to o ang pag-ibig mo

giliw, wag mo sanang limutin
ang mga araw na hindi sana naglaho
mga anak at bahay nating pinaplano
lahat ng ito'y nawala
nung iniwan mo ako

kaya ngayon
ibuhos na ang beer sa aking lalamunan
upang malunod na
ang puso kong nahihirapan
bawat patak anong sarap
ano ba talagang mas gusto ko
ang beer na to o ang pag-ibig mo

*BEER - ITCHYWORMS

Monday, May 08, 2006

Bata Wins Vietnam Leg


kahapon, dahil nga umalis kame yung semifinals lang ng san mig 9-ball ang natapos ko. nakapasok sa finals si Li tska si Bata. Exciting nga yung laban ni Bata at Nguyen para sa semis pero xmpre nanalo c Bata. Galing tlga!

"7 May 2006, Ho Chi Minh City: Efren "Bata" Reyes proved he's the King of Asian pool once again as he defeated Chinese Taipei Li He Wen, 11 - 6, in the Finals to claim the trophy and the top prize of US$10,000 today at a packed hall of Nguyen Du Sports. " [espnstar]

*Click the link to log on to espnstar.