Saturday, April 29, 2006

Recollection At Twenty: Part Three

third year ako nung napagalitan ako ng pinakapaborito kong titser. may recitation kasi kami non at ako ang unang natawag. akala nya siguro nagbasa ako, e hindi. na-badtrip tuloy xa at sinigawan kaming mag-aral muna, sabay walk-out. hiyang-hiya ako non sa kanya kaya lagi na akong nag-aral mula non. third year ako nung sumubok akong kumuha ng pwesto sa school organ. third year din nung palipat-lipat kami ng kwarto, dun tuloy kami sa laboratory laging nagkaklase. third year ako nung nakikidutdot ako ng cellphone sa kaklase ko. panay ang pagssnake namin kapag walang titser! at panay din naman ang pakikinig namin nung isa kong kaibigan sa "you to me are everything the sweetest song that i could sing oh baby oh baby" kapag dina-dial ang 214. third year ako nung nagkaroon ako ng cellphone. third year ako nung may niloloko sa aking kaklase namin. third year ako nung na-in-love ako. (wink wink) pero duwag ako kaya walang nangyari. third year ako nung sumali ako ng play. wedding dance na tinagalog. ako yung gumanap na lumnay. third year ako nung natuto akong magnegosyo (magbenta ng plates para sa THE sa mga kaklase ko). third year ako nung nakumbinsi ako ng isang kabarkada na sumali sa COCC. ayoko sana dahil officer noon yung naging crush ko nung second year. third year din ako nung ibinabad kami sa init at pinagduck walk sa court. third year din nung naging active ako sa mga school programs kasi kami ang taga-ayos ng school ground dahil nag-COCC nga ako non. third year din nung pinasigaw kami ng "BALUUUUUUUUUUT!!!!" sa court. third year ako nung may stalker na nagbibigay ng kung anu-anong chocolates sa kin. (nilalagay nya sa bag ko. hanggang ngayon hindi ko pa rin xa kilala. pero salamat sa kanya dahil nadiskubre ko ang meiji dark chocolate. yun yung paborito ko. hehe!) third year ako nung nanalo ako sa isang quiz bee na sinalihan ng lahat ng year levels sa highschool. katext ko pa noon yung crush ko. hanep! (bwisit xa dahil hindi xa pumasok sa school, di nya tuloy napanood yung quiz bee!) third year din kami nung sumali ako sa PRISAA. nanalo ako sa chess, girls division. e pano kasi dalawa lang kaming sumali! hahaha! third placer naman sa division meet. asteeg! (kasama ko pala non yung crush kong magaling magchess! tatlong araw kaming magkasama! hehehe! nakakatuwa xa tska yung kapatid nyang mas bata). third year nung gumawa kami ng presentation para sa mga pupunta sa school namin. ginawa naming parang museum yung room ng mga higher batch. asteeg yung kinalabasan! natuwa naman yung mga pumunta sa school namin. third year ako nung lumaban kami sa isang quiz bee sa munisipyo nung earth day. awa naman ng Diyos ay nakaabot sa Finals! third year ako nung umuwi akong mabaho dahil sa open collar. third year ako nung nakapunta ako ng JS Prom. mabait ang partner ko non, lagi kaming nagsasayaw kaya nag-enjoy ako! isinayaw din ako nung mga barkada kong lalaki kaya super masaya. pati nung crush ko. hehehe! naging prom king yung crush ko nung second year at prom queen naman ang girlfriend nya... haay! third year din ako nung naging tambay ng bahay namin yung isa kong bestfriend at yung iba kong kabarkada sa CAT. lagi pa ring tinatanong ng nanay ko kung may boyfriend na ba ko... bakit kaya?

fourth year ako nung una akong nakatikim ng siomai. (oo! tama yun! nun lang ako nakatikim ng siomai). fourth year din nung sinasara ang classroom pag tanghali dahil nangangamoy pagkain daw pag hapon. fourth year din nung lagi kaming nag-eexam sa labas ng classroom. yung iba naming kaklase nasa loob, kami nagkokopyahan sa labas hehehe! fourth year din nung pumasok akong walang alam kapag exam. dun na ako nag-aaral. minsan stock knowledge na lang. minsan nadadala na rin ng pangongopya. minsan pag wala talaga, panghuhula. fourth year ako nung may nagpaalam sa akin na manliligaw daw. ilang beses din kaming lumabas. maraming beses na magkausap pero sa telepono lang. natigil lang yon nung nalaman ng tatay kong may nanliligaw sakin. wag na raw dahil bata pa ako. mag-aral na lang daw muna ako. masunurin naman akong bata. dahil nga dito, nagalit xa sa akin at winalk-out-an ako. matagal din bago kami nag-usap ulit. (kasalanan lahat to nung titser ko, sinabi nya sa tatay kong "inspired" ako kaya matataas ang grades ko. mukhang yung panliligaw lang ang tumatak sa isip ng tatay ko kaya hindi nya na napansin ang pagiging mataas ng mga grades ko.) fourth year din ang mega-tantrums ko. fourth year din nung nakabarkada ako ng mahilig din sa bilyar. tinuruan nya ko tapos yon lagi na kaming naglalaro. sarap ngang kasama yon e, lagi kasi akong nililibre! hahaha! fourth year din nung natuto akong magcounter. fourth year din pala nung tinuruan nila akong mag-magic. (ung cards.) ATTACK! yeba! awa naman ng Diyos e hindi pa rin ako marunong. hehehe! hindi ko kasi ma-gets! parang sira pa yung mga nagtuturo sa akin! fourth year ako nung hilig naming tumambay sa bahay. minsan nagpapalate talaga kaming umuwi, tatambay muna sa school grounds. fourth year din nung parati akong nala-late kya napapasama ako sa mga nagfa-flag cerem na second batch. fourth year din nung napagalitan kami ng principal, natutulog kasi kaming lahat sa classroom (kanya-kanyang pwesto na!) fourth year din sumali ako sa isang play na pinerform namin nung christmas party ng school. magnanakaw ang role ko non. ("kieme, isa kang magnanakaw ano?", linya ko yan!). nanalo kami non sa christmas presentation. pinang-Jollibee lang naman namin yung napanalunan namin! fourth year din yung play namin tungkol sa el fili; si basilio ako noon. at may isa pang play, lawyer pa yung ganap ko; kabesang tales ata yung play di ko na maalala. fourth year din nung gumawa ako ng project sa physics at calculus na hiningi nung principal namin. buti naman at nagustuhan nya dahil nag-cut ako ng klase para gawin ang project na yun! fourth year din nung nakasali ako sa iba-ibang interschool quiz bee, sa UPLB, sa Westbay at sa SPCBA. nanalo ako ng second place sa computer quiz bee. nanalo ng first place yung isa ko pang schoolmate. tatanga-tanga kasi ako nung tie breaker na. fourth year din nung nabuhay ulit ang cheering squad namin nung second year. fourth year nung nagsayaw ako sa bangko. yun yung performance namin sa Foundation day. kapartner ko nun yung barkada kong malapit lang ang bahay sa school. fourth year din nung sumali yung bestfriend ko sa search for mr.snsm. second placer ata xa. nanalo pa nga xa ng mr. talent. ooops! ako nagturo jan! fourth year din nung nagsimula kaming mag-apply sa mga universities. nagexam lang ako sa dalawang school. UST at UP. awa naman ng Diyos ay nakapasa ako sa parehong unibersidad. fourth year nung nagkaroon kami ng retreat (sa Muntinlupa lang ang retreat house kaya korni! pero sobrang masaya dahil sa mga kasama ko! bwisit lang talaga at hindi pa uso ang digital camera noon!). sa retreat house, dun lahat ng kalokohan, lahat ng iyakan, lahat ng tawanan. gumawa pa nga kami ng eksena sa banyo. ako ang nag-direk non heheheh! ginawa kong bida xmpre yung bestfriend kong magaling umarte. magaling kasi umarteng bakla yon. kunyari biglang tumawag ang kalikasan sa kanya, hindi nya maintindihan kung saang CR pupunta, sa babae o sa lalaki. asteeg! nung fourth year, ano pa nga ba't gumradwayt na rin sa wakas! una ung graduation ng CAT. pinag-tripan pa namin yung mga medal na nakuha ko. hekhekhek! maniniwala ka bang halos mapaiyak na ko habang nagbibigay ng speech ko sa CAT graduation?! impromptu kasi ang speech ko. di na ko nakagawa dahil busy masyado. (pucha! mga dahi-dahilan!) todo outfit pa ako non. may sword. may mga pin pa jan! yun nga lang dahil pasaway ako walang boots. hehehe! eto ang graduation na walang kapantay! xmpre sumunod na yung graduation ceremony talaga namin. ayos naman. (haha! yun lang ang nasabi ko?! hahaha!) nagbigay ako ng speech na sa tingin ko e walang kwenta. kung maisusulat ko lang ang speech na yun ngayon, iba siguro ang sasabihin ko. at siguradong magtatagalog ako. pagkatapos ng graduation, nagbatian xmpre ang mga magbabarkada. pauwi nako nung niyakap ako nung taong naging sobrang importante sakin nung highschool. matagal na ulit bago nasundan ng pag-uusap ang eksenang yon. xmpre may graduation ball! sayawan, kulitan, kainan, picture-an, kwentuhan, paalamanan. tumambay ako non sa labas ng bahay hanggang mag-alas-sais, kasama ko yung tatlo kong mga kabarkada. asan na kaya sila ngayon?

college.

punyehtah! parang ayoko na atang magkwento... o pano next tym nalang!

*isinulat ang Recollection At Twenty noong Abril 28, 2006, 9:35 ng gabi. natapos ito noong Abril 29, 2006, 2:00 ng madaling araw. Nilagay ito sa 'eklat!' noong abril 29, 2006, 6:30 ng gabi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home