Friday, May 19, 2006

kahapon at ngayon

matagal-tagal din akong nawala sa sirkulashon ah! ganito kasi yan, nung monday pa ata kasi kami walang internet access. sira ata ang server o kung ano man... basta! mabuti na lang at wala namang masyadong withdrawal symptoms na naobserbahan sa aming kabahayan. yung ate ko lang na isa e parating nagtatanong kung "may internet na?" kapag dumarating xa at pinagbubuksan ko xa ng pinto.

kahapon, awa naman ng Diyos at ng mga tao sa PLDT e nagkaroon na ulit kami ng access sa internet. pero dahil nga nagsasagot ako ng reviewer e hindi ako nakapaginternet kahapon.

final episode na ng amazing race kahapon. exciting! gustung-gusto ko talaga ang hippies. nayayabangan kasi ako sa mga frat girls hahaha! sobra kong na-excite dun sa final leg ng race, sigaw pa ko ng sigaw na "bilisan nyo! bilisan nyo!" (as if namang naririnig nila ko hahaha!) at halos masira na ung upuan sa kaka-upo-tayo ko. buti na lang tlga at may utak ang mga hippies. ;)

after non, e joined forces pa kami ng ate ko habang tumatawa at nagcocomment sa panday. ganito kasi yan, natutuwa kasi ako sa Wonderful Life. e bago pa un panday muna. ayos din naman, natutuwa/natatawa (minsan) kasi ako kay heart evangelista. kikay nga xa at bulol sobra pero ayos naman sya at walang kieme. lubog sa putik kung lubog sa putik. opinyon ko lang naman yon. pero natatawa lang talaga ako sa dugo sa panday. pano ko ba ieexplain to? kasi kahapon, nagsimula nang maglaban-laban yung mga dapat maglaban (hindi ko masabi kung sino sila dahil hindi naman talaga ako nanonood ng panday). akalain mong pag may namamatay, hindi man lang sila nagbbleed! asteeg! at kung may dugo na nga sa katawan nila (siguro dahil naalala nilang kelangan may dugo ang mga taong nasaksak na), malabnaw naman ang mga dugo nito! parang tubig na nilagyan ng dyobus. literal.

pagtapos non, wonderful life. basta natutuwa talaga ako sa palabas na yon.

pagtapos non, maalaala mo kaya. nakakatuwa/nakakatawa/nakakainis/nakakaiyak. yun lang ang masasabi ko. maganda yung kwento. nakakatawa yung nagbabakla-baklaang kaibigan ni zanjoe (hindi ko kilala e). nakakainis lang dahil imbis na maiyak ako e napapa-"ano raw?" ako dahil minsan talagang beyond comprehension na ang mga words na lumalabas sa bibig ni zanjoe. nakakaiyak... e sa nakakaiyak e!

pagkatapos non natulog na ko. e pano kasi kelangan kong pumunta sa tindahan namin dahil mamimili yung nanay at ate ko sa DV.

nananaginip ata ako kanina pero nakalimutan ko lahat yun nung may pumasok sa kwarto ko. nanggigising!

pumunta ko ng tindahan. nagdala na rin ako ng reviewer para may magawa naman akong matino. buti naman at ok naman kanina, may benta naman ako kahit pano. pero xmpre hindi naman ako kasing expert ng nanay ko kaya konti kumpara sa benta nya. nung dumating sila nung tanghalian, pinauwi kami agad. para kasing uulan na naman. manonood na pala kami nung ate ko ng DaVinci Code, hindi ko pa alam. nagpaalam na raw xa kaya wala nang atrasan to. hahaha!

DaVinci Code. yung pelikula xmpre hindi to kasing eksakto ng nasa libro. isipin mo na lang yung daming pages ng libro pagkakasyahin mo sa dalawang oras at kalahati. wala rin akong comment sa libro dahil hindi ko pa naman to nababasa. basta yung pelikula gusto ko. inaamin ko namang may parteng naiisip kong "hindi pa ba tapos?" pero bigla naman tong nababawi ng "uy! ayan na ulit!" eto, opinyon ko lang naman, hindi naman siguro intensyon ni brown na sirain ang catholic faith. fiction nga sabi nila. pero kung hindi ka talaga matahimik dahil sa panggugulo ni brown sa buhay mo, ganito, nasasayo naman ang choice kung ano ang gusto mong paniwalaan. kung gusto mong hindi maniwala sa libro, e di wag. isa pa, bakit mo naman gagawing basehan ng katotohanan ang isang work of fiction? fiction nga di ba? katha ng imahinasyon. siguro iniisip mo, "naku! sinasabi lang nilang work of fiction yan para makalusot!" naisip ko na rin yan.

at ngayon, huwaw! at last, nakapagblog din. na-miss ko to!

H A P P Y B I R T H D A Y A C H U K A N D A L V I N ! ! !

after ng

0 Comments:

Post a Comment

<< Home