Wednesday, May 03, 2006

Panaginip lang pala!

e naku! anong petcha na wala pa rin akong nasisimulan sa virology?! sabi sabi ko pang mag-aaral na ko this summer! sus! akong-ako nga!

eto pang isang malupit! summer na summer may sakit ako! waaaah! may tonsilitis ako! paano na?! paano pa ko kakain ng mais con hielo ice craze na sobrang kinaadikan ko! hindi ko na rin nakikita c RJ, ang aking ice craze buddy! wahahaha! hindi rin ako makainom masyado ng coke. pero nakakainom pa rin. onti nga lang. at dahil nga may sakit ako, di rin ako pumunta ng JR ngayon para kunin yung certificate ko! waaahahaha! balik na naman ako next week. ay naku!

hmmm! pero kahit may sakit ako, may time pa rin akong magblog! hahaha! lupet!

nanaginip ako kanina! sobrang weird! may mga gamit daw sa likod-bahay namin na nakita ko raw na ninanakaw ng mga pipol. at dahil nga nahuli ko silang nagnanakaw in action, pinagsabihan ko raw silang umalis! (tarush!) tapos nag-exit daw ako papunta dun sa kinaroroonan ng mga gamit, pero pag dating ko dun! siyet! wala na ang mga gamit ko. mega-iyak naman ang lola mong nanakawan sa panaginip! (buti na lang sa panaginip lang. haay!) tapos ayun! sabi ko raw, "e gamit ko yun e, akin yun. e di sana ginamit ko na lang (ung pera, oo may pera ako na pakalat-kalat sa labas ng bahay namin daw! sabi sa panaginip kaya bawal kumontra!) yun para sa mga gusto ko. e di sana bumili na lang ako ng mga gusto ko..." awwww! ayan! buti nga! (mejo ganon nga ako sa totoong buhay. haay! punung-puno ng SANA ang buhay ko! feeling ko kasi may bukas pa para gawin ang lahat, hindi ko maloko yung sarili ko na, gagawin ko na lahat ngayon baka wala nang bukas. at sobrang mahilig ako mag-cram! at hirap na hirap akong mag-let go!) at sa gitna ng paghihinagpis ko dahil nga sa mga nawalang bagay na nahihirapan akong i-let go, may tumunog! at may tumunog! at tumutunog pa rin ito! si jobs pala tumatawag... buti naman, nananaginip lang pala ako!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home