Sunday, May 07, 2006

pasaway talaga

kahapon, inayos na yung pc sa taas. puro kasi pop-ups pag nagbubukas ng browser. buti naman ayos na! pero dahil nga ayos na yung browser, tatlong oras naman akong naglaro sa yahoo! kung anu-ano pang kalokohan ang naiisip kong gawin ngayon. parang gusto ko atang mag-ragna! hehehehe! kaso naisip ko, wag na lang (sa ngayon! haha!).

si jobs may work na ngayon. training with pay ang drama ng lolakech! si rem din nagwwork na. sa west contact daw xa. hirap din kasi puyatan-to-the-max to! na-weirdo-han nga ako nung sinabi nyang 2am-11am ang pasok. parang... ha?

at dahil nga pasaway talaga ako at hindi ako nagbasa ng dalawang chapters kahapon kelangan kong tapusin lahat yun ngayon. ang kaso naman e, birthday ng kapatid ko ngayon. aalis daw kami mamaya. ewan kung papunta saan. ang haba pa naman nung hindi ko binasa! waaaah! grabe noh! imbis na nagbabasa na ko nakuha ko pang ikwento lahat dito. speaking of kwento, nanaginip ako kagabi. parang nakakulong daw ako sa bahay tapos papatayin na raw ako nung mga nagkulong sa kin dun. nakita ko pa nga dun ung isa kong kaibigan, c ate jo (xa kasi yung nagbukas ng pinto para makalabas ako). tapos yun tumakbo lang ako papalayo... at papalayo... tapos na-feel kong nawiwi na ko kaya bumangon na ko hehehehe!

ngayon nga pala yung semis/finals ng asian 9ball tour ho chi minh leg. natalo ni bata si django. ayun. yun lang ang pinanood ko e. hindi kasi pamilyar yung ibang players tapos kinailangan ko pang magluto kahapon para sa ate ko.

H A P P Y B I R T H D A Y C A B O O D L E S ! ! !

0 Comments:

Post a Comment

<< Home